speak to papa

Blog


view:  full / summary

daanghari...

Posted on June 13, 2009 at 4:24 AM Comments comments (4)

daanghari...


 

 

i don't wanna hear a sound of wind that passes through the wind that don't hears what i want...

 

like for instance..

 

you're right there starting to move on... forget me

and me right on the shore leaning on my heart that anchors your heart.

 

like every night, when abyss whistles the memories of ours together...

i can't breath, i can't soar...

 

so painful that i don't wanna close my eyes...

for sleeping will just start of another awakened wakes...

and sleepless helpless..

 

i don't wanna hear a sound of wind that passes through the wind that don't hears what i want...

 

like for often...

 

I'm running raging at my dreams, your are there slowly walking away at the reality...

away from me... must

 

hindi magsasara ang daanghari...


i used good...

Posted on May 21, 2009 at 9:24 PM Comments comments (7)

hi there...

kumusta


it's been awhile... ngayon ko lang uli nakita ang page natin. Salamat sa mga mukha at pangalan na nakikita ko sa members' list. "Moodswing"... malamang yan ang most suited word sa aking personality. Naghihintay ako diktahan muna nang aking nararamdaman bago gawin ang mga bagay bagay. Pasensya na kung wala bago sa page na'to, pasensya na sa pabago-bagong on air personality, siguro dyan na rin ako nakikilala. Now i'm in the mood the next minute I'm not. But one thing's for sure, nakikita ko at nararamdaman ang mga taong kumikilala at nankaka-appreciate ng aking sinasabi at ginawaga.

Huwag po sana kayong magsasawa.

Patuloy nyo po ipaalala ang mga bagay na aking nakakalimutan.




God bless you



papa kiko

LSfm


ang kulot na paglalakbay ng puso ni Zetarno Magpayo 3 (ang huling el bimbo)

Posted on April 19, 2009 at 1:32 AM Comments comments (46)

paulit ulit ang in my dreams ni reo speedwagon sa isip ni Zet... ito ang unang linggo na wala na si tsutsay..

wala na.. wala text, wala tunog, wala, wala na ang mhaaaaahuuuggggsss (ang paborito nyang xpresyon), walang natitira.
wala na si tsutsay...

ang "mahal na mahal kita" ay napalitan ng "galit na galit ako sa'yo, hindi ko alam kung paano ilalabas" wika ni tsutsay.

sa tagpong yung bumaba na nang apat ng gulong si Zet naiwan si tsutsay sa loob ng kotse... kotse'ng naging saksi sa mabilis hi at mas matuling goodbye...

walang sandaling hindi lumuluha ang puso ni Zetarno Magpayo sa katotohanang, tunay at kailangan ang pamamaalam.

pero bago ang lahat ng yan... natuloy ang konsyerto ng pamosong E'heads..

"shiiitttt ang trapik wala tayo parking, ang laki laki ng moa wala parking"
"late na tayo sa concert"
"kakainis"

nagtatakbo ang dalawa sa tabi ng seaside umaasa maabutan ang simula ng konsyerto, nakakatuwang pagmasdan ang dalawang puso tumatakbo sa isang bagay, magkahawak ang kamay.. nagrereflect ang ang ilaw galing sa dagat at malaking mall

ang totoo'y hindi naman ang konsyerto ang hinahabol, dahil hindi naman mapipigilan, kahit anong kaligayahan naghihinatay sa concert eh pasasaan pa sa "huling el bimbo" din ang aawitin nito. Isasara din mnaman ang telon. 

Parang ang kanilang pagmamahalan, huling el bimbo na pala yun..

ayaw na ayaw marinig ni ZEtarno ang huling el bimbo, dahil ayaw nyang aminin pa sa mundo na kailangan magpaalam.
"oo na oo na, alam ko na na kailangan, wag mo nang sabihin" bulong ni zet sa eheads..

niyakap nila ng isat isa kasabay ang lahat ng awit ng banda.

sa MOA sa katabi ng dagat, sumusuot sa damdamin ni Tsutsay ang bawat liriks na gagaling sa bibig ng minamamahl habang nakikijam kay ely b at raimund. biglang nag-flash back ang isang tagpo sa simbahan... sa simbahan sa MOA.

minsan sa kalagitnaan ng kanilang kahibangan at pagharap sa pagiibigan...

"uy may ikinakasal sa simbahan o, tara panuorin natin"..

photo opp na nating pangit na bride at matabang groom..
nakakatuwa pagmasda ang mga ikinikasa
l
"ikaw ba ano pangarap mo'ng wedding" tanung na pakabig ni ZEt

"ako?, gusto ko itsi-check ko ang kalendaryo at itatapat ko sa Mayo na may bilog na buwan" sagot ni Tsutsay

inilabas ang surpresa...

hinawakan ni Zet ang mga kamay ni Tsutsay at dahan dahan isinuot ang isang silver na mumurahing singsing, nakaukit doon ang katagang... "my dear"...

nagkaroon ng bahagyang ngiti sa mga mata ni Tsutsay

habang nakatingin sa mga nagdidriwang na ikinakasal ang dalaga'y nagtanong "ano to?'

"singsing, ...................... flexible ring"
habang tumutulo ang luha sa mga mata ni Zetarno Magpayo
"kahit anong mangyari, para sa'yo yan..."

"kapag dumating ang isang araw nakatayo parin ako sa iyong harapan, at hindi ko na lilingunin kung ano man aking nakaraan, engagement ring yan...
ngunit kung dumating ang panahon kailangan ko nang magpaalam... at harapin ang tunay na buhay, singsing na lang yan... singsing na minsan tayo ay nagtagpo, at hindi na muli magtatagpo..."


para kay Zetarno saan man sya dalhin, atleast nagawa nya ang kanyang pangarap, ang maiharap sa simbahan si tsutsay at maisuot ang singsing...
kahit walang pari, kahit walang trahe de boda, kahit walang ring bearer o flower girls. kahit walang bridal car...

nais lang ni zetarno maging bahagi nang kasal sa bilog na buwan.. 

"ako na lang magsisilbing bridal car driver mo"



nung tagpo yun, lalong tumindi ang pagmamahal, ngunit lalong kinain ang puso ni Tsutsay ng pangamba...
"sana hindi na lang kita nakilala"


lumabas ng simbahan ang dalawa na suot ang singsing ngunit hubad ang pag-asa.


natapos ang flash back....

bumalik sa The reunion concert ang eksena...

"putang ina mo" sigaw ni zet sa kanyang isipin
eto na nga at iniwaawit na ang huling el bimbo... sinunog na ni ely ang piano sa stickerhappy

KALINGAN MAGPAALAM!!!!
natapos ang konsyerto... 


nagtagpo at patuloy na nagtagpo...
nagtago at patuloy na na nagtago...

mas marmi pa konsyerto ang pinagdaan, kahit ang pba finlas hindi nila pinalampas...
hayun nag champion ang talk n text, tinalo alaska... talo sa pustahan si Zet...



dumating na ang judgment day...
walang ng mas mahirap pa sa pagtaboy sa taong pinkakamahal

nagsalubong na ng mga damdamin, marahil napagod na ang mga tala, ang katotohanan mas malaki parin ang araw kaysa sa mga bituin nilang pinagtaguan at buwan na naging sandalan. Mas malaki parin ang araw.


"lagi nyo na lang ako iniiwan... parepareho kayo ng sinsasabi... bakit mo ako piaasa?, bakit ako pa... 

"sabi mo hindi ka mawawala, sabi mo hindi ka lalayo, galit na galit ako sa'yo, hindi ko alam kung paano ilalabas"


"hindi naman ako mawawala, hindi naman ako lalayo, ngunit hindi lang ako nasa tabi mo, hindi ako ang yumayakap, hindi rin ako ang mga labi sa halik"

"hindi ako tsutsay"
"hindi ako dear"



..................

paulit ulit ang in my dreams ni reo speedwagon sa isip ni Zet... ito ang unang linggo na wala na si tsutsay..

wala na.. wala text wala tunog, wala, mhaaaaahuuuggggsss (ang paborito nyang xpresyon), walang natitira.
wala na si tsutsay...


pabalik balik ang ala-ala ni Tsutsay kay Zet...
lahat nagbabalik...
magbabalik ang magbabalik...

lagi paring suot ni Zet ang "flexible ring"

naniniwala si Zet hindi pa nagtatapos ang love story...

maaring hindi ngayon bukas...

"hindi naman tinatanong kung sino ang mahal, ang tanong kung sino ang pinili mong bigyan ng paninindigan"

dito na marahil matatapos ang kwento...

habang si Zet nakatitig sa kawalan, 

tsini-check ang kalendaryo tinitingan kung 

kailan ang Mayo na may bilog na buwan...

ang kulot na paglalakbay ng puso ni Zetarno Magpayo

Posted on April 14, 2009 at 10:54 AM Comments comments (3)

mabilis ang pangyayari, nagising isang araw "first of summer" ang theme song nang disyembre ni Zet, nakasakay sa isang lulan na may apat na gulong patungong tagaytay... tumulo ang luha sa unang pagkakataon nayakap nya ang kanyang mahal. matagal pinangarap ni Zet ang babaeng lulan ng oto'ng yun. Ryt lab at d rong taym sabi ni manilaw, anak ng mais sa tagaytay oh, "life is so unfair" yan ang paborito bitawan ni tsutsay, masaya ka ngunit bawal... sabi ni prophet - R. Kelly -, "my minds telling me NO, but my body, but my body". walang gabi hindi umiyak sa sailing at tipa ng wala sa tonong kaibigan.

nanginig ang buong katawan ni Zet, sa tabi ng cliff may dalawang tao hindi magkakilala ang yumakap kasama ng fucking fog ng tagaytay. bakit tayo nandito.? walang bumibitaw, walang nagpapaalam.

"hello"...
"hi"
"musta"
"ok lang"
"nu gawa mo"
"eto hintay text mo, kaw"
.................... may lalakarin ako eh"
"sge col ka lang kapag hindi ka na busy, ingat ka jan"

mag-aalas tres ng hapon pagkatapos ng pasko, yan ang transcribed conversation ng mga korning si Zet at tsutsay...


bakit ganun, kapag ndyan na sya, wala maramdaman guilt feelings itong si Zet, sa pagtitig sa taling ng kanyang tsutsay. Kahit na nagsasalo tayo sa isang kasalanan, sabi ni macoy. "mahal na mahal kita", "iiwan mo na ba ako" laging isasagot n tsutsay sa paratang. nagpatuloy sa pagyakap ang bawat puso. bahala na.

sagadin hanggat' kayang sagadin sabi sa pelikula ng mga sikat na child star nung araw!!!

in a rush... mahirap magmahal lalo't higit alam nyo isang araw maghihiwalay din ang tagpo. ang bawat hi laging goodbye. ang ending ng date, sex at paalam. badtrip ang buhay. "magtulungan tayo makalimot" yan ang naging sunmpaan sa isa't isa. "dito ka na lang Zet" mga hikbi ni tsutsay sa pantaysang magbabago pa ang takbo ng hangin. Halos hunting-in ni tsutsay ang "whistle" sa pag-sulat ng kantang "ryt nxt to me", ayaw nya ito marinig. wala nang lumalabas na likido sa mata ni tsutsay, kung natutunaw lang ang mga taling sumama na sila sa pag-agos ng damdamin ni tsutsay.

"hindi naman sapat na mahal mo lang" sabi ni tsutsay

sa isip ni Zet "tama", ang babae kailangan ng pagiging babae, ang babae bibigyan mo ng name tag, assurance, apelyido, at sweldo. naisip ni Zet e di tama palang nanatili sya sa responsibildad.

"we only just began to live" ang linya ni karen (carpenters)


mahal na mahal ni Zet si Tsutsay, kaya lang...

naglalaban ang pagtalikod at pagharap. kung naii-about face lang lagi ang buhay, sana'y hindi na si Zet nawalay. kailangan gwin, kailangan harapin.



"huling paalam"

hihintayin na lang kita... eto ang huling nasabi ni tsutsay ng bumigay na ang bawat linya ng damdamin.

habang sinusulat ang akdang eto tumutunog ang "i cant find the words to say goodbye" ni david gates.

fu#k the free world sabi ni Zet...


nakausap ko si Zet kanina
"sabi ko naman kasi sayo wag mo na lapitan, walang hindi magmamahal sa tunay na nagmamahal."

nakatext ko si Tsutsay kanina
"ikaw na lang ang humahawak, bumitaw na sya, hindi sya mawawala hanggat hindi ka nabubuntis ng iba"





"hello"...
"hi"
"musta"
"ok lang"
"nu gawa mo"
"eto hintay text mo, kaw"

"tapos ko nang lakarin..."mahal na mahal kita tsutsay"...
"ok ka lang Zet?"





itutuloy....

ang kulot na paglalakbay ng puso ni Zetarno Magpayo 2

Posted on April 14, 2009 at 10:45 AM Comments comments (16)

ang nakaraan
"tulangan tayo makalimot sa isa't isa"

.........

"OK lang ako" sabi ni zet

ang hirap talagang kumawala sa nararamdaman, ang hirap talaga kumawala sa kinasabikan, sa pinangarap. "hindi na muna ako magtetxt " sabi ni Zet. kinabukasan, ang mga walang hiya nagtagpo at nagtagpo din. naniniwala si Zet kay papa kiko, sabi nung pangit na dj, "MAY DAHILAN ANG BAWAT PAGTATAGPO", sa lahat ng binitawan ni papa kiko yan na yata ang da best! "hanggang kailan ako hahawak" hikbi ni tsutsay, walang walang laban na naka handusay sa bisig ni Zet, hindi na raw ngunit hinawakan, hindi na raw ngunit ang labi ay naglapat... oo... kailangan ipasok ang kenny g. o glenn frey sa tagpong to, mainit ang bawat pagtatagpo, sabi sa kanta ni haji nagdiriwang ang mundo kapag dalawang tao ang nagmamahalan ang nagtatalik... putang ina,!!! hindi napigilan ang bawat eksena... "kapag gnwa natin to, hndi na ako makakawala sayo..." bulong nui tsutsay sa minamahal... tumulo ang luha ni Zet, habang gumagalaw ang kanyang mag balakang...

bumigay ang "habang atin ang gabi" ni jay durias... 

mahalaga ang pagkakabae ng bebot... ang sex ... pangako .....isang pangako na mga puson ang nakinabang, puso ang manunumpa ... pagkalito..

panu mo iingatan ang puso ng tao na ikaw din ang bumasag.?

"alam ko naman na hindi pwede, simula palang alam ko na matatapos to"
"pero bakit mo pa pinalalim?... bakit mo ako pinaasa" mga tanung ni tsutsay sa sarili.

ang lahat ay napalitan ng galit...
"sira ulo ka Zet, putang ina mo"


after three in a half days...

umuwi si Zet sa kanyang bachelor's pad (pasosyal na term nya sa iskwater nyang bording haws)

may regalo naghihintay... isang bagay na nakabalot sa "tuy kengdam" na wrapper...
isang aso'ng walang buhay... 

"take good care of my marley" (tsu tsay)

marley ang pangalan ng ulol na aso na hindi naman kinakausap si Zet... nakatingin lang, nakatitig... "kaya siguro tinawag na STOP TOY" sabi ng matalinong si Zet... atleast lagi nyang ksama ang alaala ni tsutsya, kahit kapalit ng galit ay ang telang korteng aso... niyayakap din eto ni Zet, kapag hindi makayanan ang multo ng hangin ng antipolo at tagaytay.
"tang-ina ka kasi tsutsay, napak-ideal mo, perfect ka na,..... pahulihin ka lang."

wala talaga sya masabi sa babaeng minamahal, alam nya na maraming naghahangad ng pgtingin ni tsutsay...


tooooot toooooooot toooooooot (tunog ng selpown yan walang pakialaman) " gusto mo manuod ng the final set???" mensahe galing sa ercson ni Zet...

"Kelan?" 

"kung kelan ka free? kapag hindi ka free aatakahin uli sa puso si ely ng paulit ulit maging available ka lang..." (pambobola ni zet kasama ang pride)...








itutuloy


Rss_feed